Baha dito, baha doon. Lagi nalang tayo binabaha. Pag may bagyo, may baha. Pag dumaan si pareng Habagat, may Baha. Nakakainis noh? Ang hirap lumabas ng bahay, syempre baha eh. Nakakainis din pag binaha pati bahay, syempre pag binaha ang bahay, basa lahat ng gamit nyo lalo na pag bungalow, bubong lang pag-asa nyo. Tapos pagka hupa ng baha, ano makikita nyo? Putek. Sirang gamit. Putol na sanga ng puno. Dahon. Patay na hayop. Sirang kotse. Yero galing sa bubong. UFO, at syempre higit sa lahat, BASURA. BASURA. BASURA.
Basura dito, basura doon. Kung ang populaton ng pilipinas ay increasing, papatalo din ba ang basura? SYEMPRE HINDE! Malakas din mag reproduce ang basura ng mga pinoy. Alam nyo ba ung ibig sabihin ng "BAWAL MAGTAPON DITO" , "DO NOT LITTER", "MAGTAPON SA TAMANG BASURAHAN"? Ang mga pinoy kasi, malaki ang basurahan, buong paligid ginagawang tapunan ng basura. Yung simpleng pagtapon ng balat ng candy, di nyo magawang itapon ng tama. Ang ginagawa nyo, itatapon nyo lang kung saan nyo gusto. Mahirap bang ibulsa yang napakaliit na plastic na yan, at itapon pag may nakita na kayong tamang tapunan? Yang maliit na basurang yan, madaling lumaki yan. Kunyari nalang, isang buong section na may 40 na estudyante ay nag fieldtrip, at sa kanilang fieldtrip eh binigyan sila ng libreng candy, tas dahil walang available na basurahan, sa lapag nalang nila tinapon. oh diba madami agad? sapat na yun para magbara ng estero. napakaliit nga pero pag madami, lalaki yan. Kahit sabihin nyong may naglilinis naman nyan, mali padin ang gawain na yan. Syempre yung iba hindi nakukuha ng tagalinis, pag hinangin diretso estero, kaya yun barado. Tas sasabihin nyo hindi kasi linilinis ang mga estero? baket, kasalanan lang ba ng pamahalaan nyo yun? diba kasalanan nyo din na may KAYLANGAN LINISIN AT TANGGALIN sa mga estero? kasalanan nyo din na BUMABARA ANG MGA ITO kasi nga kung saan saan lang kayo nagtatapon. Kung nagtatapon kayo ng tama, walang kelangan linisin, walang matatambak, at walang mababara.
Nakakainis nga eh, kasi parang di natututo ang mga pilipino. Pag bumaha, iiyak iyak kayo kasi kesyo nawala bahay nyo, o nabasa gamit nyo, eh KAYO NAMAN DIN GUMAGAWA NG DAHILAN PARA BUMAHA. Oo bumabaha dahil sa tuloy tuloy na ulan, pero sa tingin nyo ba babahan ng ganun kabilis kung walang yung mga sagabal ng mga basura nyo sa mga estero sa paligid ng lugar nyo? BULAG BA KAYO AT DI NYO NAKIKITA MGA BASURA SA PALIGID NYO? LAHAT YAN KAGAGAWAN NYO! LAHAT YAN, PAGMAMAYARI NYO! AT LAHAT YAN ANG NAGBABARA SA MGA ESTERO NYO!
Ako nga, pag may basura ako, tinatago ko ito pag wala akong makitang basurahan. Minsan nga inuuwi ko pa ito, kung wala talaga. Mahirap bang gawin yung ganun? Oo pabigat siguro at hassle, pero anong mas hassle, ung may dala kayong basura o mabaha kayo dahil sa sarili nyong basura? Ung baso nga ng mga Juice na nabibili ko sa mall at iniinom ko sa byahe, inuuwi ko sa bahay kahet walang laman pag wala ako makitang tapunan. Wag mong isiin na mukha kang tanga dahil walang laman inuuwi mo pa, ang isipin mo eh tama ang ginagawa mo.
Lahat ng ginagawa nyo. may kapalit. Oh yan, magtapon kayo sa paligid nyo, ano nakuha nyo ngayon? BAHA.
ano, magtatapon pa kayo?

.jpg)
